Video Bar

Loading...

Catherine de Jesus

Catherine de Jesus
I just love her creations. Follow her creations through http://dustiedoll.deviantart.com. and be swayed away..

Tuesday, August 18, 2009

Creating the Experience



Coffee in general and coffee shops in particular believed to be closely linked with the ideas of the adult world and social relations. We usually go to coffee shops for a business meeting, or when hanging out meeting some friends or even new people. We drink coffee to help us keep alert, to make us warm, because of the health benefits that it gives and for a variety of reasons..


I’m not a coffee fan but when I started to be a Professional Nocturnal, I got a little bit hooked. Aside from all the benefits and the great taste I fell in-love with how it can bring people closer. I also came to believe that a cup of coffee shared with a friend is happiness tasted and time well spent.


Sharing some of my thoughts in building and sustaining relationships..things I’ve learned from people I have worked and working with, people I had coffee with…and had a relationship with..
There are three essential ingredients I’ve learned in stirring up relationships and that is trust, communication and effort. Here are some beans I have in mind:

A Relationship begins with ONE


It begins with one, one person making the choice to get involved. One person getting out of his/ her shell-from his/ her comfort zone. One person trying to reach out, trying to be part of something or helping out with the simplest thing possible. It begins with one person staying true to his/ her values.


How can we build relationships if we’re creating walls instead of bridges? Think of something not for what it once was but for what it can be or YOU can be.
Just be yourself. Nobody is in the contest of being you and remember to always be the best of who and what you possibly could be. Other people may not like you, who cares? There are people who loves you unconditionally.

Take time to LISTEN WELL


We are created with two ears and one mouth, we can say we are designed to listen more and talk less. Let them speak first or finish. Take time to communicate through listening not only to what one is talking about but on what one is trying to say (he/ she must be addressing something. Your time, an update, or just a friend in you). Take time to listen to what they don’t say, to look to what they don’t show. Some people are just a little shy to take the first move, to break the ice.. By being a listener, people will see us as someone they can depend on and therefore can be trusted.

Learn and Earn RESPECT


If a person can’t keep a promise, doesn’t respect you for who you are and with what you have that person doesn’t earn your trust. We are all different in many ways and its only through respect we can co-exist. Learn to respect other people’s opinion, definition, judgement - other people’s world. Be kind. Be understanding. Learn to be agreeable once in a while. Understand why and how they act as they are. There will always be a reason for everything.
These are just the few things I’ve learned by experience and believed to be really essential ingredients as we stir the cup. These are the values I try to live up as much as I could.

I am a believer of time is gold and I think it is one of the most precious gifts you can give. When you give someone your time, you are giving them a portion of your life that can never get back. I think it’s the same in relationships, we have to invest. Invest a great deal of time and energy. We wouldn’t want to be committed to something we don’t (atleast) like, right?


There will always be a time for work and so little time to spend with our family and friends especially for us nocturnals where day and night seemed to be a day(or night? Oh well..)


So what are you waiting for? HAVE A BREAK, HAVE A CHIT-CHAT!


Keep in mind that lasting relationships don’t just happen, they are created. =)

*A Professional Nocturnal is someone who works in graveyard shift

Monday, May 05, 2008

Kasam-bagay

Today is my birthday just like an ordinary day, lonely. hehe pag wala ka nang magawa sa bahay, walang makausap dahil wala kang kasama at wala ka ring makatext..magbubutas ka na lang ng kisame, magpapalobo ng laway at makikipagusap sa mga bagay na kasama mo sa bahay. at magugulat ka na lang na tragic din pala ang lab story nila, sinulat ko ang mga quotable quotes ng mga kasam bagay sa bahay...


"Lagi na lang niya ako sa dilim hinahaplos. Bakit pag sa labas kung san maliwanag at madaming tao di man lang niya ako pinapansin?" ~Flashlight

"Lagi na lang akong ikinakahiya, ikinakaila at iniiwan sa ere! Panindigan naman sana niya ako!" ~Utot

"Pinapaikot niya lang ako palagi. Nagsasawa na ako. Mabuti pa nga patayin na lang niya ko eh." ~ Electric Fan

"Pwede ba tama na! Sobra sobrang paggamit na talaga to! Nasasaktan na ko!" ~Keypad

"Nagtatalo kami dahil sabi ko sakanya paano kami makakabuo kung hindi ako papatong sa kanya di ba?" ~LEGO

"Ayoko nang magsalita..wag niyang sasabihing pinaiyak ko siya dahi nauna niya akong pinaiyak.." ~Sibuyas

At ang pinaka nakaantig sa puso ko....

"I can't help but fall..." ~Sipon


haay...

Due Date

1/26/08

\“Namimiss mo ba si pong?”
“Oo, gusto ko na sana mag-alaga uli pero naisip ko hindi pa ako ready..”
“Paanong di pa ready?”
“Nasira kasi yung lamp ko kaya kung mag-aalaga na uli ako lalamigin sya sa gabi. Gusto ko yung may maayos syang bahay at kaya ko iprovide mga kailangan niya. Yung kaya ko talaga syang alagaan bukod sa oras na pwede ko ilaan.”

Minsan sa dami ng kailangan gawin hindi ko na alam ano ang dapat unahin. Hanggang sa hinahayaan mo na lang kusang dumating yung oras na alam mong malapit na.

Due date. Isang gabi lang talaga dapat sa akin ang librong hiniram ko sa library. Isang gabi para makapiling, mabasa at matutunan. Pero di sapat. Isang linggo na lang christmas break na at sa break na yun pwede ko basahin at lalo mapagaralan yung libro. Next year ko na lang isosoli, P5 lang naman kada araw e..hanggang sa lumipas na nga ang mga araw. Dumaan ang christmas break, andami pa rin kailangang asikasuhin.

Back to school. Hala parang ambilis ng panahon malapit na ang graduation! Busy sa thesis, sa paggawa ng community interventions, thesis, speech, world literature, org, bahay, barkada, babae.. busy. Hindi ko na alam anong uunahin, kung paano ako kikilos, kanino ako sasama, ano nga bang dapat isipin at pagtuunan ng pansin, ora mismo.

Minsan sa sobrang dami at parabang buhul-buhol na sinulid ang schedule mo parang ayaw mo na lang gumalaw, ayaw mo na lang kumilos, napapagod ka na. Sa mga sitwasyong hindi ko na alam ang gagawin at isasagot ko sa sarili ko, nagpapatangay na lang ako sa agos. Agos kung anong hingin ng sitwasyon-yun ang gagawin ko. Dahil naniniwala akong may oras ang lahat ng bagay. At maaring hindi ko kailangang planuhin ang lahat para sa aking mga kagustuhan. Dahil minsan kahit anong pilit na pagkilos ang gawin mo, wala ka pa ring masimulan.

overDue date. Biglang tumunog ang pass sa pinto ng library namin. Tinanong kami ng guard kung may libro kaming hiniram, o kung may libro kaming overdue na hindi pa naisosoli. Agad tumanggi yung dalawa kong kasama sabay sabi ko ng “Ako po meron”. Parang proud na proud pa ako sa kalokohan ko. At ayun sixty-five pess ang binayaran ko.

Sabi sa akin ng librarian, bakit ngayon mo lang ito isosoli kailan mo ba ito hiniram?
Sabi ko, mmmm..last year po. mga one week bago magbakasyon sabay ngiti.
E bakit hindi mo sinoli?
Ehh.. sayang po kasi yung bakasyon para mabasa ko po..
E sana nirenew mo na lang. Magbayad ka pa tuloy..
(WHAAAAAAAAAAAAAAAT?????) ughh... nakalimutan ko na po.. ehehehe ambc na po kasi. Sabay ngiti pa.

Paglabas ko ng library hinintay na ako ng mga kaibigan ko..

oh anung nangyari magkano binayaran mo?
Ayun sixty-five pesos. Hahaha

Habang naglalakad kami anggaan at ang saya ng pakiramdam ko. Siguro dahil napatunayan ko sa sarili ko na may tamang oras sa tamang lugar sa tamang panahon para ito mangyari. Na lahat ng bagay gaano karami man ay may takdang pagkakataon para matapos. Although minsan may nakakalimutan pa rin tayong gawin along the way... that’s how we learn. haha

Sunday, April 20, 2008

Coffee Mate

written February 10, 2008
Coffee Mate

I hate how coffee turns into an addiction - how it keeps you up all night, how it burns and makes your heart beat fast, especially how it makes you crave for its rich and sweet promises of grains, milk and sugar.

Moments later, it puts you into a melancholic mood of coldness - before you realize, it has consumed you before you should have consumed it!

Empty.
Hollow.
Bitter.

Then again - you crave for another cup.

Just like love.

Galing lang ito sa isang text message kung san to nanggaling o sino gumawa hindi ko alam. Marami na rin akong nabasang pagkukumpara sa kape sa totoong buhay, maski ang pinakacommon na kapehan ginamit ang kape sa pagkakaroon ng relasyon ng mga tao.

“We’re all looking for that special someone.
If only love can be customized as easily as your favorite drink.
We’ll easily find your match.”


~Starbucks


Sa totoo lang hindi naman ako talaga mahilig sa kape… dahil mas gusto ko ang mainit na tsokolate. Sabi sa Psychology ang kape ay maaring maikabit sa “adult world” kung saan ang tao ay puno ng mga responsibilidad at social relations o school para sa mga estudyante. Sa pamamagitan ng ilang mga katanungan tungkol sa kape maari mong malaman kung paano ka nakakasabay sa mga stress sa buhay mo.

Hindi ako mahilig sa kape, dati. Simula ng nagsawa na ako sa tamis ng milo naghanap na ako ng iba. Naaalala ko pa kasikatan ng Meteor Garden, bumabagyo, nang supernaenjoy ko ang mainit na milo na may coffeemate. Pero ngayon, may nescafe choco fudge coffee mix na at Coffee Prince naman ang sikat na koreanovela. Sabi nga nila..

“Gigising sa tulog na damdamin.”

~Coffee Prince, Koreanovela

Nagustuhan ko ang kape hindi na dahil sa tamis kundi dahil sa pait. Nakakasuya kasi sa panlasa ang panay tamis. Parang hindi ka na nachachallenge, walang twist, walang dating.

May mga pagkakataon rin na dahil sa kape napapalapit ang tao na dati-rati ay walang imik..isang taon na ang lumipas may dati akong kaibigang bigla na lang nagpasama magkape. Nagkita kame, nagkakwentuhan. Sabi nga rin sa kantang I finally found someone..

It started over coffee
We started out as friends
Its funny how from simple things the best things begin


kumbaga nagiging dahilan ang pagkakape para makapag-usap, makapagkwentuhan, magkalapit. O di nga kaya e makagising sa tulog na damdamin… may kaibigan kasi ako na makailang ulit na nagkaaminan sa isang coffeeshop.

Sa ngayon, enjoy ako sa pait na naibibigay sa akin ng kape. Iced man o hindi. Timpla ko man o binili. Masarap kasi napapaso minsan, natatabangan, napapaitan pagkatapos mong magenjoy sa tamis. Kaya ngayon, kung ako ang tatanungin mas masarap ang bittersweet. Bukod sa healthy benefits na naibibigay ng kape maraming pwedeng manyari…sabi nga..

One moment, one Nescafe.

Siguro kung mababasa to ng isang advertiser ng kape pasasalamatan ako eh noh? Anyway.. tulad ng nakararami, isa lang rin naman ang gusto ko maexperience sa coffee break… simple lang… makasama ko si coffee mate.

Madness

written November 10, 2007

”What does it mean to be crazy?”

“Anyone who lives in her own world is crazy. Like schizophrenics, psychopaths, maniacs. I mean people who are different from others.”

“On the other hand you have Einstein saying that there was no time or space, just a combination of the two. Or Columbus insisting that on the other side of the world lay not an abyss but a continent. Or Edmund Hillary, convinced that a man could reach the top of Everest. Or the Beatles, who created an entirely different sort of music and dressed like people from another time. Those people and thousand of others- all lived in their own world.”

Ang mga salitang ito ay matatagpuan sa paborito kong libro ni Paulo Coelho na Veronika Decides to Die. Nobela tungkol sa isang babaeng tumira sa isang mental hospital at may kausap na mental patient.
Crazy. Ano nga bang ibig sabihin ng crazy o sa tagalog ay maari nating tawaging baliw o sira ulo. Kung kukunin mo ang synonyms ng salitang crazy sa dictionary sa computer makikita mo ang mga salitang wild, passionate, fanatical, mad, extreme, foolish at unwise. Crazy. Sabi nga ng isang “sira ulo” Anyone who lives in her own world is crazy like the psychopaths, maniacs and schizophrenics and those people who are different from others. Sinong others? Lahat naman tayo magkakaiba at lahat naman tayo may sariling mundo, hindi ba?

Si Tito Albert Einstein, si Kuya Columbus, si Ninong Edmund at ang mga kalaro kong Beatles tinawag ring crazy noong araw. At noong araw maging hanggang sa ngayon ay sikat sila. Hindi ko lubusang masabi kung dahil sa sira ulo sila kaya sila sikat pero siguro dahil sa paninindigan nila sa pinaniniwalaan nila kahit sila lang ang naniniwala sa sinasabi nila at napatunayan nila yun kaya kilala sila hanggang sa ngayon.

Lahat naman tayo may sira sa tuktok. Iba-iba lang ng level. Pwedeng ako passionate at mad ikaw yun foolish at unwise. Gayun pa man kahit paano nagkakaintindihan tayo kahit papano at kung hindi man sabi nga ng kaibigan ko jan pumapasok ang tinatawag na “respeto”. Respeto sa kung anung klase kang tao maging sa kabaliwan meron ka. At hindi ba napakasaya sa pakiramdam kung meron kang tao na kawave length mo ng kulay, kasing luwag ng turnilyo, taong nakakaintindi sa sinasabi mo maging sa mga supercorny jokes na banat mo.. kausapang-manyak na walang malisya, kasama, kaibigan. Meron isang tao na sa buong mundo hindi mo inaakala na nabubuhay at nakilala ka.

Kadalasan pa sa lahat ng mga baliw na kasama mo sa sanctuaryo e may isa na talagang nalalapitan mo. At minsan pa nanindigan ka sa paniniwala mong siya ay isang paraiso…mundo. Pero paano kung magpaalam ang taong minahal mo na yun sayo? Mabaliw ka kaya lalo...parang ang sakit naman nun. Yun (isang) taong nakakaintindi sayo nawala pa. Kahit baliw ka o dahil baliw ka hindi dahilan para hindi masaktan..

Pero kung tutuusin hindi naman talaga dahil sa minahal mo yung tao kaya ka nasasaktan na nawala siya kung hindi dahil nakatagpo ka ng taong katulad mo ng sira sa tuktok, nagkakaintindihan kayo kahit wala ka namang sinasabi na kahit ano, may respeto sa kung ano ka at higit sa lahat masaya na ikaw ang kasama kaya nga lang….wala na siya.

Para sa mga kaibigan na nakatagpo ko at kapareho ko ng sira sa tuktok. Maraming salamat at mabuhay tayong lahat!
JoanJett ~ ang tunay na baliw
Jhoanna Paula ~ ang kaspectrum ko, shabs.
Camille Anne ~ ang alter ego. si panget..at c spontaineity.
Blessie ~ ang nag-mamayari ng letrang B. si bie.
Michelle ~ ang crimelab partner ko, paks.
Kuya Ian ~ si bespren at laftrip kapareha
Iapz ~ si Friieend, ang gurly sistah friend ko
Eckybeary ~ ang huggable mother of all times, Pumbaa!

Nite ~ ang aking mentor at fudtrip superpartner
Ang Jewel Sisters (Mooshyhoneyvhie)
Ghen ~ ang Taiko partner ko, palo lang ng palo!
Karen ~ ang babaeng ayaw magpapicture? ang modelo.
Jah-jah ~ ang vhie-vhie ko, tagong kakampi!
Jeny ~ ang showbiz kong friend, kasundo sa kaweirdohan
Celia ~ Rail mate ko, ang chinitang maganda ang paningin
Jam ~ ang laging huli at ipinagmamalaki, woah mama!
Lee ~ ang matapang kong kapatid

Enki ~ ang ideal girlfriend.

The Astonishing Whine and Roses

October 30, 2007

Hindi ko alam paano ko sisimulan hindi ko rin alam ang magiging katapusan. Siguro sisimulan ko na lang sa salitang salamat. Salamat dahil nakilala ko siya kahit hindi pa kami ganun katagal magkakilala marami na akong natutunan sa kanya at sa mga magdamagang kwentuhan namin. Salamat sa masasayang usap, usapang manyak sa mga seryosong usap pa minsan. Salamat sa oras at sa pagkunsinti sa akin kahit papaano nagkaroon ako ng kakampi sa mga oras na wala ako sa sarili. Salamat sa lahat-lahat ng text, email, pagbati at pag*hug* lalo na nung nahulog ako. Salamat sa bukas mong isipan, mahabang pasensya, pang-unawa at sa mga secrets. Sa mga hindi ko nabanggit pinasasalamatan kita sa lahat ng yun.

Masaya akong nakabahagi siya ng oras sa buhay ko. Hindi ako nagsisising nakilala ko siya dahil kung hindi dahil sa kanya hindi ako ganito ngayon.

Tulad ng maraming nabuong pagkakaibigan hindi ko na rin matandaan paano nagsimula ang lahat ang natatandaan ko na lang ay ang mga masasayang sandaling naging magkaibigan kami. Masaya ang makatagpo ng taong halos kapareha mo ng tinitignang direksyon at pangarap sa buhay. Masaya ang makakilala ng taong halos kapareha mo mag-isip dahil nagkakaintindihan kayo. Masarap magkaroon ng taong napagsasabihan mo ng sekreto, kasundo mo at napagsasabihan ng problema. Masaya, masarap, magaan magkaroon ng kaibigan.

At anong saya pa kung ang kaibigan mo ay lagi mong nakakausap. Ang madalas nyong pakikipag-usap ay napagpapalalim sa ugnayang naging bunga ng isang sikolohikal na pagkakalapit. At higit sa lahat ay ang pagkakaibigang walang hinihinging kapalit.

Pero paano kung mahulog ka sa kanya? At sarili mo lang ang sumalo sayo?... paano na ngayon yun…isa ba itong pagkakamali o katapangang pagkakabayani? I don’t think there was really a fault. Hindi ko alam kung anong matatawag ko dun pero para sa akin hindi yun fault. I was brave enough to make myself happy, to let myself fall. Oo, katapangan ang makaramdam ng sakit at katapangan harapin na hindi ko kayang magtiis sa sakit na hindi para sa akin. =(

Bodega

October 28, 2007 Sunday
Matagal nang pinalilinis sa akin ng mama ko ang working area ko. Lagi ko lang sagot “sa sembreak na po” dahil patuloy ang pagdagdag ko ng gamit at dahil sa dami ng gawain hindi ko naaasikaso samsamin lahat para makuha kung anong pwedeng itapon. Sa dami kasi ng gamit ko halos wala nang mapaglagyan. Kung tutuusin maayos ako sa gamit, may sariling lalagyan ang lahat, sariling folder, sariling envelope, sariling kahon. Ang problema lang e patong-patong. Mas madali ko kasing natatandaan kung saan ko nailagay kung hindi ko na gagalawin.

Paulit-ulit na lang sinasabi sa akin ni mama na “itapon na kasi ang mga dapat itapon”. Siguro dahil sa una, tinatamad lang talaga akong isa-isahin ang gamit ko at pangalawa, nakaayos naman bakit ko pa guguluhin. Pero halatang baluktot ang katwiran ko dahil maliit lang ang bahay namin at halos kalahati ng kalahati e puro gamit ko lang. Siguro nga hindi ako madali makaget-over o makalet-go sa mga bagay-bagay kaya nahihirapan ako basta magtapon. Sa lahat kasi ng bagay sa mundo naniniwala akong bago ka maging ganap na basura kailangang magamit ka ng ilanpung ulit. At naniniwala rin akong darating ang araw na magiging handa akong magtapon.

Hanggang isang araw habang mag-isa sa bahay, walang kausap, walang katext, walang kadamay naisipan kong ayusin ang lahat. Dahil nga sa nakaayos naman e kailangan ko lang talagang magbawas. Sa aking pamimili ng basurang itatapon naisip kong may kanya-kanyang araw talaga ang lahat ng bagay. May mga bagay na mahirap agad itapon, mahirap alisan ng halaga, masakit ibasura. Siguro nga hindi talaga ako yung taong madaling makabitaw pero alam ko sa sarili ko binigyan ko yun ng halaga at hindi itinuring [agad] na isang basura. At ngayon, dumating na ang araw na dapat na akong magtapon. Simple lang ang dahilan dahil wala na rin silang kwenta.

Sigurado na ako ngayon na sa paglipas ng panahon may mga bagay na maiisip mong wala na talagang halaga sa buhay mo. Hindi lang dahil sa nagbabago ang mundo at maraming bagong naiimbento at naisusulat na libro kundi dahil ikaw mismo nagbabago. At ang pagbabagong ito ay kadalasang nakadepende sa iyo. Pipiliin mo bang maging isang bodega ang kwarto mo o itatapon mo ang mga basurang nakatago?

Monday, March 17, 2008

Catharsis

magsisimula nanaman ako sa salitang "minsan". sa tuwing magbibigay paliwanag ako sa mga nangyayari sa buhay ko lagi ko na atang binabanggit ang salitang yun. optimistic lang siguro ako na lilipas din ang lahat..na magigising na rin ako sa isang mapait na panaginip.

kahit psych major ka hindi lahat kaya mong bigyan ng paliwanag kahit hanggat maari yun ang tungkulin mong gawin..pero hindi pa rin lahat kaya mong maintindihan at hindi lahat kaya mong dalhin. simple lang ang dahilan: dahil tao ka rin.

bilang isang tao mayroon ka ring mga limitasyon...dahil...
minsan darating ang araw na para bang hirap na hirap kang magsalita ng kung ano na ba ang talagang nararamdaman mo.
minsan parang pagod ka nang tumawa..magpanggap na masaya..
minsan parang mas gugustuhin mo nalang tumunganga buong maghapon..
tumanghod sa lumipas na panahon.
minsan parang gusto mo na lang maglaho, tumalon sa magandang hinaharap.
minsan parang gusto mo na lang maospital, masagasaan o kaya naman malaslasan..
minsan gusto mo lang maging exaggerated.
minsan napapatahimik ka na lang ng mga bagay na hindi ka naman kinakausap.
minsan nakakalimutan mo nang kumain..
minsan wala ka na lang pakialam..
minsan nga parang wala ka na ring nararamdaman..o nakikita...
minsan wala ka na lang talagang masabi. dahil minsan kahit magsabi ka wala namang reaksyong kahit ano, parang wala ka ring sinabi. kaya wala na lang.
minsan gusto mo na lang magpakapagod ng husto para paghiga mo diretso tulog mo.
minsan kahit malungkot na kanta wala na ring gana..
minsan andami mong dinadala..hirap na hirap ka..
minsan gusto mong tumakas sa nagkukulong na mundong ginagalawan mo..
minsan gusto mo na lang matulog habambuhay..
minsan lalo kang nasasaktan dahil nasasaktan yung mahal mo dahil sa mahal niya..
minsan malulungkot ka na lang makita ang mga mata niang nakatingin sa iba..
minsan ayaw mo na lang magexist sa mundo..
minsan andami mong tanong..na hindi masagot.
minsan nababaliw ka na sa kakaisip sa bagay na hindi ka naman sigurado
minsan mas matiyaga ka pa sa bato
minsan madali kang maloko...
minsan hardcore tanga at grandslam sa pagiging aktor ka
minsan hindi mo na malaman ang gagawin..
minsan hindi na makaya lahat ng dibdib mo..tapos
minsan walang handang makinig. dahil pag nagkwento ka posibleng chinichismis ka lang o kaya naman ay nagiimpose agad..
minsan yung taong hingahan mo ya rin yun dinadala mo..
minsan wala talagang nakakaintindi
minsan naniniwala ka sa sinungaling
minsan ikaw sinungaling na rin
minsan parang gusto mo nang sumuko.. saan? sa bagay na wala. hindi naman kasi dumarating.
minsan hindi mo namamalayan tumutulo na luha mo..
minsan nasasaktan ka sa mga hindi inaasahang pagkakataon..
minsan gusto mo lang nman talaga ng makikinig..
at kadalasan...
gusto mo lang talaga ng makakasama.
yung pipiliin at maiisipan kang laanan ng ginto niang oras..
kahit minsan lang..

Monday, March 03, 2008

matagal tagal na rinakong hindi nagpopost dito. bukod kasi sa sobrang 'bc' may naisip kasi akong gawin...

naging ambishus ako dahil naisip kong sumali sa mga writing contests..at isang batas ay hindi pa dapat 'naipublish' kahit saan ang obrang iyong nagawa. including blogsphere.

mainly yun ang reason... pero napagod na rin siguro ako dahil walang time para magblog. may time magsulat at magcomputer pero sa school related purposes..at hindi magblog. T.T minsan kahit asa harap na nga ako para magpost hidi ko naman masimulan sa dami ng gusto kong sabihin. kaya dinaan ko na lang taaga lahat sa papel.

sa papel. naisip kong isalibro ng lahat. dun mo na lang mababasa ang buong storya. heheh..

minsan gusto ko na lang idelete tong blog ko sa kadahilanang...wala lang gusto ko lang. wala kasi akong computer sa bahay eh.. saka hindi mabasa ng mga kaibigan ko hindi ko tuloy marinig yung mga reaksyon nila. nakabasa kasi sila ng mga nasulat ko dito dati sa papel... at ang dami nilang koments. siguro dahil nakakarelate sila o di kaya naman ay nakakarelate nga talaga sila. ehehehe...

o pano? tabi na lang tayo sa pagbasa ng libro ko ah. hahahahah hopefully this march.

*para sa mga naging dahilan nang lahat.

Friday, June 08, 2007

Pre-occupied space (feb 27 06)

Summer last year (May 2005 yun) nahilig ako sa pagsulat dahil sa isang taong nakilala ko. Masarap siyang kausap. Kung papipiliin ako kung sino gusto kong maksama sa isang island siya ang pipiliin ko. Bakit? Hindi ko alam. Basta siya gusto ko, siya una ko naiisip pag mga ganung tanong. Hindi lang siya masarap kausap masarap din siyang kasama. Masaya.

Ako sa bawat minuto ng buhay kong may presensya niya. Lagi kong hinihintay na mag text siya, natutuwa ako pag magkatext kami, magkausap hanggang hating gabi lalo na pag magkatabi. Nahilig ako sa pagsulat dahil sa pagsulat nailalabas ko ang kahit anong gusto kong sabihin sa maganda, makulay na gusto kong paraan.


Nung panahon na yon mas makakasulat ako kapag malungkot ako. Nakapagtataka ba na masasaya yung binanggit ko kanina? E kung sabihin ko kayang panaginip lang lahat yun…ano maiisip mo? Nangyari lahat pero
malabo


Nahilig ako sa pagsulat dahil una, may *minahal ako. Pangalawa, pareho kami mag-isip. Marami akong naiisip pag magkausap kami. Marani akong natutunan sa kanya. Dahil sa may pagkapareho kami mag-isip mas tumitindi ung tiwala ko ma hindi ako baliw sa mga maiisip ko. Preoccupied kung ika mga kapag siya ma amg masa isip ko. Siya na nga ata laman ng blogsphere ko. Karamihan dun inspired niya. Minsan lang ako magkagusto pero pag nagkagusto ako…hindi ko sinasabing gusto ko siya pero hindi ko lang siya gusto. Hindi ko alam kung bakit siya kaya wag mo nang tangkaing itanong pa. Inunahan na kita, hindi ko alam.

At ngayon, ngayon na lang uli ako nakapagsulat. (nawakasan na!).. Sinubukan ko dating magsulat pagkatapos ng malungkot na eksena pero hindi kaya ng aking power lifesavers.. Nakaratay ang aking kamay…na nakahimlay, bali ang tasa ng aking lapis. Hindi na ako nagpumilit dahil tuwing nagtatangka ako biguan lang ang labas ko.

Hindi na ako nagpumilit dahil naniwala akong sa tamang oras at panahon kusang mag hahalikan si papel at lapis.

Ngayon. Ngayong buhay at bukas na naman ang preoccupied space naguumapaw,nag-uunahan at nagtutulakan na naman ang gusto kong isulat. Hindi ako pinanganak na writer, wala din sa lahi namin yung maging writer. Nagsusulat ako dahil gusto ko sumulat, dahil may naiisip akong gusto kong balikan balang araw pagtanda ko at malayo na ang nalakad ko. Gusto ko lang magsalita, magshare at siguro mag-inspire na rin.


Papalapit na naman ang summer …muli nanamang nagbubukas ang preoccupied space dahil sa isang taong nakilala ko…who has a space in me where no one else can enter, but everyone can see.

Ü




there are a lot of things to be happy at...

like...

Ü














my time.. and
























my loved ones.Ü

sometimes sappy seconds




*sighs....

the happy things




something to smile at...;)

Comments on comments

Commenting on your blog is not something I brag about, neither did I make it an opportunity for me to lecture about love, its bitterness and sweetness, or the wonders of the world or its darkness. I don’t intend to teach. If you haven’t thought about it, I am a student so I really can’t teach. I comment because it is what I think and feel on that special moment, whatever that writing was about.

Everything that is written has a root, has a cause and has a history. I write, and writing what I feel makes me think of the challenges and happiness that I always cherish. It makes me who I am, familiar as it may sound. After writing it I don’t expect people to read it not even comment about it. But I am hoping they’ll communicate with me. Commenting is free and its an opportunity for everyone to express themselves and make you see…though words are never enough to express nor describe what is really thought by the mind and felt by the heart. It can somehow tell you who you are, how you think, feel and how you do. And it made me realize how anger that grew from sadness can change a person’s treatment towards you.

Sunday, June 03, 2007

LET THE RIGHT PICTURE BE LEFT

I’m working on this particular project – a montage. I have this turtle working attitude. I’m a stickler for details I wanna make sure my work is free from imperfections. So I work slowly, I often check my work (except when I write coz I usually write straight. It’s easier for me to express myself in words sometimes especially when you just have to talk your feelings or just say what you want. And often, ideas shoot as fast as it occurs) it is when I make sketches on my notebook during boring hours that makes myself work without taking care much about its ugly resolution. So I work loong, it would sometimes take me months to finish a montage. I believe everything (even in making this kind of handcrafted magazine painting) everything will fit into its right place at the right time with the right picture. And how would I know when its right? As I’m working I asked myself the same question. Since I was working on a self-project when everything will not be graded, no criteria for judging etc. but it was difficult. You have to be patient in looking or sometimes in waiting for the “right” picture to be on your desk, to flash on your eyes or even just to be on your mind. This self-project I’m talking about is also a reflection of the travels of my mind and… heart. It wasn’t easy to express everything you’ve contained inside. It wasn’t easy to let everything out in one shot (especially when what you have (resources) isn’t “right” or isn’t fitted to be on your frame). And so you have to be patient and also you have to be clear to yourself, first. What it is that you really wanted by the way? What it is that you really feel? What ‘s really up on your mind? If you have a coherent, understandable (this includes it could be done) and its very clear to you, then you are ready to go baby. But how did I know everything is “right” if I will keep waiting…looking for something “better” something that will “fit” something…close to perfection… then one day it hit me. I realized I have to make a decision. And that I “have to choose” I have to come up with something. There’s nothing that forced me to think that way, I just realized how long would it take me to make everything okay? Coz sometimes choosing better means being wiser. You don’t have exactly “everything” to choose from, you don’t have everything to be your options… often times you have to CHOOSE.

Anything to say?